BDSwiss

Ang Inyong Mga Datos sa Pangangalakal, Lahat sa Iisang Lugar

Isang mahalagang kagamitan ang Trade Companion sa toolkit ng aming makabagong mangangalakal, na idinisenyo upang bigyan ang mga mangangalakal ng isang komprehensibong pananaw ng kanilang kasaysayan at pagganap sa pangangalakal. Binuo upang maging personal na birtuwal na mentor ng bawat mangangalakal, pinahihintulutan ng Trade Companion ang mga mangangalakal na maunawaan kung aling mga diskarte ang naging pinakamainam para sa kanila.

Magparehistro para sa isang VIP o Raw Account ng BDSwiss at iakses ang Trade Companion nang libre sa inyong Dashboard.


May panganib sa iyong kapital

Subaybayan. Analisahin. Pabutihin.

Bilang isang natatangi at nag-iisang kagamitan, ang Trade Companion ay eksklusibong available lamang sa mga kliyenteng may VIP at Raw account. Nagbibigay sa inyo ng akses sa isang ganap na pagdedetalye ng inyong mga pag-uugali at pattern sa pangangalakal, ang mentor sa pangangalakal ay nagbibigay sa inyo ng pagkakataon na suriin ang inyong mga aksyon at pabutihin ang inyong pagganap. Ang Trade Companion ay direktang available sa iyong Dashboard ng BDSwiss.

Mga Pinasadyang Kabatiran Para sa Mas Matalinong Pangangalakal

Paano Matutulungan ng Trade Companion ang Inyong Pangangalakal?

Ang bawat mangangalakal ay may kanilang sariling diskarte at plano ng aksyon na inihanda. Upang matulungan kayong magnilay sa inyong mga pattern sa pangangalakal, ang Trade Companion ay nagbibigay sa inyo ng isang indibiduwal na malawakang pananaw ng inyong mga karaniwang kagustuhan, pattern at resulta sa pangangalakal kabilang ang:

Mga Oras ng Kalakalan

Mas Gustong Asset na Maaaring Kalakalin

Malawakang Pananaw ng Lahat ng Kalakalan

Tagal ng Kalakalan

Bulumen

Average ng Nanalo/Natalong Kalakalan

% ng Nanalo/Natalong Kalakalan

Ratio ng Payout

Bilang ng Mga Kalakalan bawat Asset

Kilalanin ang Inyong Mentor sa Pangangalakal

Magbukas ng isang VIP o Raw Account ng BDSwiss at iakses ang Trade Companion nang direkta sa inyong Dashboard. Matatagpuan ninyo ang isang detalyadong talahanayan ng aming mga uri ng account at ikumpara ang kanilang mga tuntunin sa pangangalakal, benepisyo at tampok dito.

1. Mangyaring tandaan na hindi sumisingil ng mga komisyon ang BDSwiss sa mga pares ng forex, crypto at kalakal, para sa lahat ng ibang mga CFD kabilang ang mga indise at sapi, may naaangkop na pirming singil ng komisyon depende sa uri ng inyong account.

2. Ang mga pinakamababang threshold ng deposito ay kinakalkula bilang mga takdang halaga anuman ang base currency ng account. Halimbawa, ang pinakamababang threshold ng Classic Account ay palaging mananatiling 100EUR, 100USD o 100GBP.

Babala sa Panganib: Ang pangangalakal sa Forex/CFDs at Iba Pang Mga Derivatives ay higit na nagbabakasakali at may kaakibat na mataas na antas ng panganib.